Sunday, July 1, 2012

Ang Storya ni Munting Kuting galing sa Bayan ng Iring

Ang storyang ito ay hinango sa karanasan ng isang tao na sa kanyang paglalakbay ay samut-sari ang kanyang natutunan. Ang kuting ay isang maliit na pusa na rumereprisenta sa karakter. Ang Iring ay isang dialekto ng Ilonggo na ibig sabihin ang pusa. Ginamit ang Iring na sumisimbolo sa pook na pinanggalingan ang    karakter.

I.
Sa isang malayo at nakipot na kagubatan ay may isang maliit na bayan na tinatawag na Iring. Ang bayang ito ay masyadong magulo at masikip, ang mga bahay ay patung-patong at ang mga tao di na mabilang sa sobrang dami. Sa bayang ito, may kilalang pamilya dahil sa ang mga ninuno nito ay naging kilala sa kanilang gawain. Sa kilalang pamilyang ito, kabilang si Munting Kuting. Si Munting Kuting ay may katamtaman lamang ang laki, may kasingkitan ang mga mata at ang kanyang kulay ang bahagyang kayumanggi. Pangatlo si Munting Kuting sa limang magkakapatid. Ang ina ni Munting Kuting ay isang negosyante at ang kanyang ama naman ay nagmamaneho sa isang establisyemento. Ang nakakatandang kapatid ni Munting Kuting at pang-apat at panlimang kapatid ay namugaran na. Siya nalang at ang isa pa nyang kapatid ay di pa naisipang mamugad. May katalinuhan si Munting Kuting, mahilig siya sa libro at dyaryo. Mahilig rin syang gumuhit ang kung anu-ano at sumulat ng kung ano man ang biglang maisip. May mga ambisyon rin Munting Kuting na nais nyang matupad, ngunit di maabot-abot ito dahil sa wala pa siyang sapat na lakas ng loob na tingnan ang labas ng mundo. 
"Hay... ano kaya ang mukha ang mundo?" tanong ni Munting Kuting sa kangyang sarili
"sana kasing ganda ng nakikita sa imahinasyon ko..." dugtong pa nito na may konting ngiti sa kanyang labi
"Munting Kuting... Munting Kuting.. asan ka na?" tawag ng kanyang kapatid
"Andito ako sa taas Munting Ming Ming" sagot ni Munting Kuting
"Bakit mo ba ako hinahanap Ming Ming?" tanong ni Munting Kuting
"tawag ka nina ama, may sasabihin raw silang importanteng bagay sa iyo" sagot ni Ming Ming
"Ganun ba? Sige, baba na tayo at pumunta sa roon" sabi ni Munting Kuting
Bumaba sina Munting Kuting at Ming Ming upang pumunta sa kinaroroonan ng kanilang magulang.
"Ama, tawag nyo po daw ako?." tanong ni Munting Kuting
"Oo anak, mayroon tayong pag uusapang bagay at sana'y makinig kang mabuti" sabi ng kanyang ama
"Opo ama" wika ni Munting Kuting
"Anak, alam nating medyo di maganda ang estado ng pamumuhay dito sa ating bayan. Kaya naman ay napag isipan ko na ipadala ka sa labas ng bayan upang maihasa mo ang iyong mga nalalaman at mapalawak ang iyong karanasan. Ang iyong kapatid ay nagkaroon na ng trabaho rito, kaya di siya makakasama sa iyong pag-alis. Alam na rin ng iyong ina ang bagay na ito. Kaya kailangan mo ng mag impake ngayon ng mga gamit na iyong gagamitin. Huwag kang mag-alala sa iyong tutuluyan dahil sa may nakita na ako at ipenareserba ko na." sabi ng kangang ama
"Nauunawaan ko ama at susundin ko po ang inyong pasya. Pagbubutihin ko po doon upang di kayo mabigo" sabi ni Munting Kunting sa kanyang ama
"Kelan po ang alis ko ama?" tanong ni Munting Kunting
"Bukas na bukas din anak. Bago pa sumikat ang araw ay isasabay kita sa aking ihahatid." sagot ng kanyang ama
"Ganoon po ba ama.. Sige po ama, pupunta na po ako sa aking kwarto upang makapagbalot na ng aking gamit" paalam ni Munting Kuting sa kanyang ama..
Pumanhik si Munting Kuting sa kanyang kwarto at nagsimulang nagimpake ng kang mga gamit. Habang siya'y nagbabalot ay nakaramdam siya ng lungkot dahil sa aabutin pa ilang araw bago sila ulit magkikita ng kanyang pamilya at kaba dahil sa hindi nya alam kung anong klaseng buhay ang mayroon sa labas ng kanilang bayan.


                                                                                                                          ---itutuloy---